Kagabi, sa Media Center Hotel dito sa Beijing, nagdaos ng resepsiyon ang Sentro ng Impormasyon para sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC bilang pagwelkam sa mga mamamahayag mula sa loob at labas ng bansa. Mahigit 500 mamamahayag ang dumalo sa reception na ito.
Ipinahayag ni Luo Shugang, Puno ng Grupo ng Impormasyon ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, ang kanyang pagtanggap sa mga mamamahayag Tsino at dayuhan. Sinabi niyang ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay isang maringal na pulong, umaasa siyang lubos na ipapakita ng mga mamamahayag ang naturang maringal na aktibidad sa buong daigdig.
Sinabi ni Zhai Huisheng, puno ng naturang sentro, na magsisikap ang sentrong ito para magpakaloob ng mabuting serbisyo para sa mga mamamahayag.
Salin:Sarah