|
||||||||
|
||
Bubuksan bukas sa Beijing ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa kanyang pagdalo sa isang aktibidad sa Shenzhen ng Tsina, ipinahayag ni Uong Chu Luu, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Asemblea at Tagapangulo ng Komisyong Pangkapayapaan ng Biyetnam, na umaasa siyang ibayo pang mapapalakas ang komprehensibong estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Biyetnam.
Sinabi niya na ang naturang Pambansang Kongreso ay isang napakahalagang pangyayari para sa CPC at mga mamamayang Tsino, at inaasahan din aniya ng mga mamamayang Biyetnames ang pagdaraos nito.
Binabati rin niya ang kasiya-siyang tagumpay ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |