|
||||||||
|
||
Ang ASEM ay isang malaking panrehiyong porum sa pagitan ng Asya at Europa. Dumalo sa ika-9 na ASEM ang mga kinatawan at lider ng 51 bansa at namamahalang tauhan ng mga pandaigdigang organisasyon para talakayin ang mga isyu ng kabuhayan, pinansiya, suliraning pandaigdig, at kooperasyon ng dalawang panig. Sa pulong na ito, inilahad ni Premyer Wen ang paninindigan ng Tsina hinggil sa nasabing mga isyu.
Ayon kay Yang, hinangaan ng mga kalahok ang konstruktibong papel ng Tsina sa pagpapasulong ng diyalogo at kooperayon ng Asya at Europa. Ipinalalagay nila na dapat pasamantalahin ng mga bansang Asyano at Europeo ang pagkakataon para isagawa ang mas malawak at mahigpit na kooperasyon, magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan, kaunlaran at katatagan ng Asya at Europa.
Sa kanyang pananatili sa Laos, magkahiwalay na nakipagtagpo si Wen kina Pangulong Choummaly Sayyasone ng Laos at Punong Ministro Thongsing Thammavong.
Iniharap ni Wen ang mga mungkahi hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ang naturang mga mungkahi ay kinabibilangan ng pagpapalalalim ng pagtitiwalaang pulitikal, pagpapahihigpit ng pagpapalitan sa mga karanasan ng pamamahala, pagbababalangkas ng aktuwal na plano ng koopersyon, pagpapahihigpit ng kooperasyon sa agrikultura, imprastruktura, komunikasyon, kultura, at gawaing panseguridad sa rehiyon ng Mekong River.
Kaugnay ng mga mungkahi ni Wen, ipinahayag ng mga lider ng Laos ang mainit na pagtanggap. Bukod dito, matamang sinubaybayan ng mga media ng Laos ang pagbisita ni Wen at kanyang mga pananalita. Ipinalalagay ng mga ito na ang pagbisita ni Wen ay nagpapakita ng pagkatig ng Tsina sa Laos.
Kaugnay ng biyahe ni Wen sa Laos, sinabi ni Yang na ito ang naglalayong mapalalim ang pagtitiwalaan at kooperasyon ng Asya at Europa at mapasulong ang relasyon ng Tsina at Laos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |