|
||||||||
|
||
Idinaos kaninang hapon sa Beijing ang preparatoryong pulong ng ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Nangulo sa pulong si Pangulong Hu Jintao.
Pinagtibay sa pulong ang listahan ng komisyon ng pagsusuri sa kuwalipikasyon ng mga kinatawan na binubuo ng 22 tao, at listahan ng delegasyon ng tagapangulo ng pulong na binubuo ng 247 tao. Samantala, manunungkulan si Pangalawang Pangulo Xi Jinping bilang pangkalahatang kalihim ng ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.
Pinagtibay din sa pulong ang adgenda ng ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Ang mga ito ay kinabibilangan ng pagdinig at pagsusuri sa ulat ng ika-17 Komite Sentral, pagsusuri sa work report ng Central Commission for Discipline Inspection, pagsusuri at pagpapatibay sa sinusugang regulasyon ng CPC, paghalal ng ika-18 Komite Sentral, at paghalal ng ika-18 Central Commission for Discipline Inspection.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |