|
||||||||
|
||
Anang editoryal, ang naturang kongreso ay isang mahalagang pangyayari sa masusing panahon ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas, at pagpapabilis ng pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Anito pa, mahalaga ang kongresong ito para patuloy na itatag ang may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, pabilisin ang sosyalistang modernisasyon, at magbukas ng bagong kalagayan ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Ayon pa rin sa editoryal, nitong 10 taong nakalipas, sa pamumuno ng kasalukuyang liderato ng CPC at si Hu Jintao na Pangkalahatang Kalihim, pinagtagumpayan ng Tsina ang mga mahigpit na hamon, at natamo ang malaking bunga sa pagpapasulong ng kabuhayan, lipunan, kultura, lipunan, at pati sa party build-up.
Nagpahayag din ang artikulo ng pananalig na isasabalikat ng mahigit 2200 kinatawan ng kongresong ito ang kanilang responsibilidad, at ihaharap ang mga palagay hinggil sa mga mahalagang suliranin ng partido at estado, para buong husay na idaos ang kasalukuyang kongreso.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |