Nang kapanayamin kamakailan ng CRI, binigyan ng mataas na pagtasa ni Pangalawang Punong Ministro Narayan Kaji Shrestha ng Nepal, ang mahalagang papel ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa buong daigdig. Bumati rin siya sa pagdaraos ng ika-18 Pamabansang Kongreso ng CPC.
Ipinahayag ni Shrestha na namuno ang CPC sa mga mamamayang Tsino sa pagkakaroon ng liberalisasyon, at nagbigay din ng mahalagang ambag sa mga usapin ng demokrasya, pagkakapantay-pantay, at karapatang pantao sa buong daigdig. Aniya, sa pamumuno ng CPC, mabilis na umuunlad ang kabuhayang Tsino, nagtamo ng malaking breakthrough ang iba't ibang usapin, at walang humpay na tumataas ang posisyong pandaigdig ng Tsina. Nananalig aniya siyang pagkaraan ng kasalukuyang kongreso, mamumuno ang CPC sa mga mamamayang Tsino sa pagtatag ng isang mas masagana at malakas na bansa.
Salin: Liu Kai