Sa Great Hall of The People, Beijing — Binuksan kaninang umaga ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Dumalo rito ang mga pangunahing lider ng CPC at 2300 kinatawan.
Sa ngalan ng Ika-17 Komite Sentral, iniulat ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC ang mga progresong natamo ng Tsina at CPC sa loob ng 10 taon niyang panunungkulan, para suriin ng lahat ng kinatawan ng CPC. Sa ulat na ito, ipinahayag niyang pamumunuan ng CPC ang bansa sa buong tatag na pagtahak ng sosyalismong landas na may katangiang Tsino.
Wu Bangguo, nangungulo sa sesyong plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC
Salin: Li Feng