Ayon sa Bombo Radyo ng Pilipinas, ipinahayag ngayong araw ng pamahalaang Pilipino na makikipagtulungan ito sa bagong liderato ng Tsina, para ibayo pang mapalalim ang relasyon ng dalawang bansa.
Idinaos ngayong araw sa Beijing ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa pulong, ihahalal ang bagong liderato ng CPC. Kaugnay nito, ipinahayag ni Edwin Lacierda, Tagapagsalita ng Malakanyang, na umaasa ang kanyang bansa na mapapalakas, kasama ng bagong liderato ng Tsina, ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng kalakalan, turismo, at kultura.
Salin: Li Feng