|
||||||||
|
||
Nguyen Van Tho, Embahador ng Byetnam sa Tsina
Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Nguyen Van Tho, Embahador ng Byetnam sa Tsina na nananalig siyang sa patnubay ng bagong pamunuan ng partidong ihahalal sa ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) , tiyak na ipagpapatuloy ng mga mamamayang Tsino ang usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Sinabi ni Nguyen na sapul nang manungkulan siya bilang embahador noong 2009, nasaksihan niya ang malaking pagbabago ng Tsina sa kabuhayan, lipunan at iba pang larangan. Sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina, ang bansa ay naging ika-2 ekonomiya sa daigdig at ibayo pang bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Umaasa aniya siyang patuloy na palalakasin ng bagong liderato ng Tsina ang relasyon ng Byetnam at Tsina na may komprehensibong kooperasyon ng Tsina at ibayo pang palalalimin ang partnership ng dalawang bansa para sa aktuwal na kapakanan ng mga mamamayan.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |