|
||||||||
|
||
Nagpadala ngayong araw ang Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) ng mensahe sa Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) bilang pagbati sa pagbubukas ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.
Anang mensahe, noong nakaraang 30 taon sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas, lalung lalo na, nitong nakalipas na 5 taon, natamo ng mga mamamayang Tsino ang komprehensibo't napakalaking tagumpay sa usapin ng konstruksyon ng bansa. Ipinakikita ng naturang mga tagumpay na tumpak at matalino ang landas ng pag-unlad, maging ang mga prinsipyo at patakaran na itinakda ng CPC.
Nananalig anito na sa ilalim ng matalinong pamumuno ng CPC, tiyak na matatapos ng partido, pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang iba't ibang resolusyon na pagtitibayin ng kongresong ito.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |