|
||||||||
|
||
Sinabi ni Uong Chu Luu, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam na ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay hindi lamang isang mahalagang pangyayari para sa Partidong Komunista ng Tsina at mga mamamayang Tsino, inaasahan rin ng mga mamamayan ng Biyetnam ang pagdaraos nito.
Ipinahayag ni Nguyen Van Tho, Embahador ng Biyetnam sa Tsina na nananalig siyang tiyak na patuloy na patitingkarin ng bagong liderato ng CPC ang mga bunga na natamo nitong ilang taong nakalipas, at pamumunuan ang mga mamamayang Tsino sa patuloy na pagtatatag ng sosyalistang bansa na may katangiang Tsino
Ipinahayag ni Imron Cotan, Embahador ng Indonesiya sa Tsina, na ang pag-unlad ng Tsina ay dahil sa landas ng mapayapang pag-unlad. Sinabi niyang para sa Indonesia, ang Tsina ay hindi hamon, at hindi rin banta, ang Tsina ay pagkakataon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |