NADAGDAGAN ang bilang ng mga mamamahayag na napapatay sa ilalim ng Administrasyong Aquino sa pagkakabaril at pagkasawi ni Julius Cauzo, 51 taong gulang, isang Reporter-Anchorman ng himpilang DWJJ sa Cabanatuan City. Nasawi ang mamamahayag matapos barilin ng isang salarin sa may Flower Lane sa Barangay Aduas Centro sa Cabanatuan City, kanilang pasado alas ocho y media ng umaga.
Ayon kay Police Supt. Eli Depra, nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala sa dibdid. Tumakas sakay ng motorsiklo ang salarin. Isinugod ang biuktima sa Nueva Ecija Good Samaritan Hospital subalit deklaradong dead on arrival.
Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo ng pamamaslang kung may koneksyon sa kanyang trabaho.
Si Cauzo ang magiging ika-154 na mamamahanay na biktima ng pamamaslang mula noong 1986 at ika-lima sa taong 2012. Siya rin ang magiging ika-14 na biktima ng pamamaslang sa ilalim ng Administrasyong Aquino.
Pag-aari ni Cabanatuan City Mayor Jay Vergara ang himpilan ng radyo.