Ang ulat na ginawa kahapon ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, ay nakakatawag ng mainitang reaksyon mula sa mga kinatawan ng kongresong ito. Kabilang dito, pinakamainit ang reaksyon sa nilalaman ng ulat na nagsasabing, "ang sosyalismong may katangiang Tsino, at ang mga teorya at sistema hinggil dito, ay saligang tagumpay na natamo ng CPC at mga mamamayang Tsino, nitong mahigit 90 taong nakalipas, sapul nang itatag ang partidong ito. Dapat buong tatag na igiit at walang humpay na paunlarin ang mga ito."
Ipinahayag ng mga kinatawan, na inilagay sa naturang ulat ang mga saligang prinsipyo, linya, kahilingan, at target ng CPC; at ang mga ito ay mahalaga sa pangkalahatang kalagayan ng partido at estado. Anila, ang naturang ulat ay magiging patnubay sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, pagpapabilis ng sosyalistang modernisasyon, at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Salin: Liu Kai