|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon ng umaga ang Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at nagbigay dito ng keynote speech si Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng CPC. Magkakahiwalay na lumahok kahapon at ngayong araw ang mga lider ng Tsina na sina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, at Li Keqiang sa mga talakayan ng mga delegasyon ng CPC.
Sinabi ni Hu Jintao na dapat gawing bagong simula ang pag-aaral, at pagpapatupad ng diwa ng kasalukuyang kongreso. Hiniling niya sa mga miyembro ng CPC na malalimang pagtantuan ang sariling mga responsibilidad at tungkulin, at patuloy na magsikap, para matamo ng Tsina ang mas malaking tagumpay sa usapin ng pagpapasulong ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Tinukoy ni Wu Bangguo na ang ulat ni Hu Jintao ay platapormang pulitikal sa pagtatamo ng tagumpay ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong kalagayan ng kasaysayan. Ito rin aniya ang patnubay sa komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan. Dagdag pa niya, dapat nating mataimtim na pag-aralan ang ulat, para buong tatag na tumahak sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Binigyang-diin naman ni Wen Jiabao na komprehensibong nilagom ng ulat ni Hu ang natamong bunga at pundamental na karanasan nitong nakalipas na 5 hanggang 10 taon. Iniharap din aniya ni Hu ang target at tungkulin sa darating na 5 taon, maging sa mas mahabang panahon. Aniya, dapat mataimtim na ipatupad ang naturang ulat, at patuloy na pasulungin ang usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Ipinahayag naman ni Jia Qinglin, na dapat sundin ng Tsina ang Deng Xiaoping Theory, Three Represents Theory ni Jiang Zemin, at Scientific Outlook on Development Theory ni Hu Jintao. Dapat aniyang buong tatag na tumahak sa landas na pulitikal ng sosyalismong may katangiang Tsino, at walang humpay na pabutihin ang uri ng sosyalismo na consultative democracy system.
Sinabi ni Li Changchun na dapat igiit ang sosyalismong kultura na may katangiang Tsino, para mapaunlad at mapasagana ang kultura ng Tsina.
Binigyan-diin ni Xi Jinping na ang ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay isang napakahalagang pulong sa masusing yugto ng komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan. Dapat aniyang totohanang gawin ng mga kinatawan ang pagsusuri sa ulat at rebisadong saligang batas ng lapian, at mga gawaing elektoral.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |