Sa panahon ng kanyang paglahok sa ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, isinalaysay ngayong araw sa mamamahayag ni Luo Baoming, party secretary ng Lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina, ang mga gawain ng kanyang lalawigang sa pangangalaga sa soberanya ng bansa sa South China Sea, konstruksyon ng Sansha City, at iba pa.
Ayon sa kanyang pagsisiwalat, sa kasalukuyan, maayos ang iba't ibang gawain ng bagong tatag na Sansha City. Aniya, buong sikap na kinokoordina ng Hainan ang mga gawain ng iba't ibang departamento ng pagpapatupad ng batas, para mas mabuting mangalaga sa soberanya ng bansa sa South China Sea.
Salin: Liu Kai