|
||||||||
|
||
Magkahiwalay na nagpadala kamakailan ng mensahe sina Chea Sim, Tagapangulo ng Cambodian People's Party (CPP), at Keo Puth Rasmey, Lider ng Funcinpec ng Kambodya, bilang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC.
Sinabi ni Chea Sim na, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista, natamo ng Tsina ang maraming bunga sa iba't ibang larangan at hinahangaan ito ng CPP. Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa pagkatig at pagtulong ng Tsina sa Kambodya.
Ipinahayag naman ni Keo Puth Rasmey, na buong tatag na igigiit ng kanyang partido ang patakarang isang Tsina, at igagalang ang soberanya at nukleong kapakanan ng Tsina.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |