|
||||||||
|
||
Nagpadala kamakailan ang Communist Party of Vietnam o CPV ng mensahe bilang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC.
Ikinasaya ng CPV ang malaking bunga na natamo ng CPC at mga mamamayang Tsino nitong nakalipas na ilang taon. Anang mensahe, ang naturang sesyon ay may katuturang pangkasaysayan, at tiyak na pasusulungin ng mga kapasiyahan ng sesyon ang usaping sosyalistang may katangiang Tsino sa bagong yugto ng pag-unlad.
Binigyan-diin ng mensahe, na para sa CPV, pamahalaan at mga mamamayan ng Biyetnam, ang CPC, pamahalaan at mga mamamayang Tsino ay kanilang kapatid at kasama. Nananalig, anang mensahe ang Biyetnam na patuloy na pahihigpitin at pauunlarin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa, para magbigay ng ambag sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan, pagpapaunlad ng usaping sosyalista, at kapayapaan, katatagan, kooperasyon, at pag-unlad ng rehiyon at daigdig.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |