Magkahiwalay na nagpadala kamakailan ng liham kay Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, sina Megawati Soekarnoputri, Tagapangulo ng Indonesian Democratic Party of Stuggle, at Aburizal Bakrie, Tagapangulo ng Golkar Party ng Indonesia, bilang pagbati sa pagdaraos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Umaasa anila silang magtatagumpay ang naturang pulong.
Nagpahayag din sila ng kahandaang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa CPC, at magkasamang pasulungin ang mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa at mga partido.
Salin: Vera