Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider ng Tsina, magkakahiwalay na tinalakay ang ulat ni Pangulong Hu Jintao sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC

(GMT+08:00) 2012-11-09 16:58:59       CRI

Binuksan kahapon ng umaga ang Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at nagbigay dito ng keynote speech si Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng CPC. Magkakahiwalay na lumahok kahapon ng hapon ang mga lider ng Tsina na sina Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, at Li Keqiang sa mga talakayan ng mga delegasyon ng CPC.

Tinukoy ni Wu Bangguo na ang ulat ni Hu Jintao ay platapormang pulitikal sa pagtatamo ng tagumpay ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong kalagayan ng kasaysayan. Ito rin aniya ang patnubay sa komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan. Dagdag pa niya, dapat nating mataimtim na pag-aralan ang ulat, para buong tatag na tumahak sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino.

Binigyang-diin naman ni Wen Jiabao na komprehensibong nilagom ng ulat ni Hu ang natamong bunga at pundamental na karanasan nitong nakalipas na 5 hanggang 10 taon. Iniharap din aniya ni Hu ang target at tungkulin sa darating na 5 taon, maging sa mas mahabang panahon. Aniya, dapat mataimtim na ipatupad ang naturang ulat, at patuloy na pasulungin ang usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino.

Ipinahayag naman ni Jia Qinglin, na dapat sundin ng Tsina ang Deng Xiaoping Theory, Three Represents Theory ni Jiang Zemin, at Scientific Outlook on Development Theory ni Hu Jintao. Dapat aniyang buong tatag na tumahak sa landas na pulitikal ng sosyalismong may katangiang Tsino, at walang humpay na pabutihin ang uri ng sosyalismo na consultative democracy system.

Sinabi ni Li Changchun na dapat igiit ang sosyalismong kultura na may katangiang Tsino, para mapaunlad at mapasagana ang kultura ng Tsina.

Binigyan-diin ni Xi Jinping na ang ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay isang napakahalagang pulong sa masusing yugto ng komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan. Dapat aniyang totohanang gawin ng mga kinatawan ang pagsusuri sa ulat at rebisadong saligang batas ng lapian, at mga gawaing elektoral.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>