|
||||||||
|
||
Sinabi ni Ekaphone Phoutonesi, mamamahayag ng Vinentian Times, isang pahayagan sa wikang Ingles ng Laos na pareho ang sistemang pulitikal ng Laos at Tsina. Umaasa siyang gagamitin ng kanyang bansa ang karanasan ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas, at pagpapaunlad ng bansa.
Ipinahayag ni Chea vana, mamamahayag ng Ahensiya ng Pagbabalita ng Kambodya na babasahin niya ang ulat na pulitikal ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina para lalo pang malaman ang nilalaman ng ulat nito. Umaasa siyang pagkatapos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, lalo pang pauunlarin ang relasyon ng Tsina at Kambodya at iba pang mga bansang ASEAN sa iba't ibang larangang tulad ng kabuhayan, kalakalan, kultura at iba pa.
Sinabi ni Sathapat Phaethong, mamamahayag ng Nation Multimedia Group Pubic Co.,Ltd ng Thailand na ito ay kauna-unahang pagkakataon para sa kanya na nakikisangkot sa pag-uulat ng Pambansang Kongreso ng CPC, nananalig siyang ang pagkaraos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay tiyak na magpapasulong ng mas mabuting pag-unlad ng Tsina.
Ang Metro TV, pinakamalaking TV Station ng Indonesiya, ay gumawang espesyal na uulat sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Sa home page ng website ng Lian He Zao Bao ng Singapore, may special topic hinggil sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Bukod dito, Sa Pilipinas, ang Ika-18 Pambansang Kongreso ay naging pokus ng mga mass media sa wikang Tsino.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |