Sa pamamagitan ng Embahada ng Malaysia sa Tsina, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ang pagbati sa pagdaos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC.
Nang araw ring iyon, sinabi rin ng PM ng Malaysia sa kanyang sa Facebook, na umaasa siyang ipapaliwanag ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ang aspekto ng pag-unlad ng Tsina na makakabuti sa katatagan ng rehiyon at buong daigdig.
Aniya, inaasahan ng Malaysia ang panunungkulan ng bagong henerasyon ng pamunuan ng CPC. Dapat patuloy na palakasin ang kooperayon ng Malaysia at Tsina, dagdag niya.
salin:wle