|
||||||||
|
||
Magkahiwalay na nagpadala ngayong araw ang mga personaheng Pinoy ng liham sa Partido Komunista ng Tsina o CPC, bilang pagbati sa pagdaraos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.
Sa kanyang liham na pambati, nagpahayag si Jejomar Binay, Presidente ng LAKAS-CMD at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, ng pananalig na sa pamumuno ng CPC, tiyak na matatamo ng Tsina ang mas malaking kaunlaran at kasaganaan.
Sa ngalan ng 318 miyembro ng 52 bansa ng International Conference of Asian Political Parties o ICAPP, bumati rin si Jose de Venecia, Tagapangulo ng ICAPP at dating Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas, sa pagdaraos ng naturang pulong.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |