Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga dayuhang lider, bumati sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC

(GMT+08:00) 2012-11-10 15:03:33       CRI

Sa okasyon ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang mga lider ng mga bansang Timog Silangang Asyano at ng International Conference of Asian Political Parties (ICAPP), ay magkakasunod na nagpadala ng mensaheng pambati tungkol dito.

Sa pamamagitan ng Embahada ng Malaysia sa Tsina, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ang pagbati sa pagdaos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Nang araw ring iyon, sinabi rin ng PM ng Malaysia sa kanyang Facebook Account, na umaasa siyang ipapaliwanag ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ang aspekto ng pag-unlad ng Tsina na makakabuti sa katatagan ng rehiyon at buong daigdig.

Nang kapanayamin ng China Radio International dito sa Beijing kahapon, ipinahayag ni Kastorius Sinaga, opisyal ng Partai Demokrat Indonesia, ang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Binigyan niya ng positibong pagtasa ang natamong bunga ng mapagkaibigang pagpapalagayan ng kanyang partido at CPC. Aniya, maraming karanasan ang Tsina na karapat-dapat na tularan ng Indonesia. Ang ibinigay na tulong at pagkatig ng Tsina ay nakakapagpasulong din sa walang humpay na pag-unlad ng kanyang bansa.

Sa kanya namang menshae, ipinahayag ni Abhisit Vejjajiva, Tagapangulo ng Phak Prachathipat at dating PM ng Thailand, ang maringal na pagbati sa pagdaraos ng naturang kongreso, at binati niya ang walang humpay na pagpapalalim ng dalawang partido.

Maringal na binati naman ni Brig-Gen. Maung Maung Thein, Pangkalahatang Kalihim ng Union Solidarity and Development Party ng Myanmar, ang pagdaraos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Bumati siyang matatamo ng CPC ang mas malaking tagumpay sa hinaharap.

Sa kanyang liham na pambati, nagpahayag si Jejomar Binay, Presidente ng LAKAS-CMD at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, ng pananalig na sa pamumuno ng CPC, tiyak na matatamo ng Tsina ang mas malaking kaunlaran at kasaganaan.

Sa ngalan ng 318 miyembro ng 52 bansa ng International Conference of Asian Political Parties o ICAPP, bumati rin si Jose de Venecia, Tagapangulo ng ICAPP at dating Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas, sa pagdaraos ng naturang pulong.

Salin: Li Feng

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>