Ang pagdaraos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ay nakatawag ng malaking pansin ng buong daigdig, at lubos na pinapurihan ng komunidad ng daigdig ang ulat na ginawa ng Pangkalahatang Kalihim ng CPC. Ipinalalagay ng mga dayuhang personahe at opinyong publiko na ang ulat sa naturang kongreso ay tumiyak sa direksyon ng pag-unlad sa hinaharap ng Tsina, at makakapagbigay ito ng malaliman at pangmalayuang epekto, hindi lamang sa pag-unlad ng Tsina, kundi maging sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Bukod dito, positibo ring pinapurihan ang naturang ulat ng mga mass media ng Timog Silangang Asya na kinabibilangan ng "Sin Chew Daily" at "New Straits Times" ng Malaysia, Pambansang Istasyon ng Telebisyon ng Thailand, opisyal na website ng probinsyang Dong Nai ng Biyetnam, at "Lianhe Zaobao" ng Singapore.
Salin: Li Feng