Matagumpay na idinaos kamakailan ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Taglay ang maligayang damdamin, pinanood o pinakinggan ng mga kadre at mga mamamayan sa iba't ibang lugar ng bansa ang ulat na ginawa sa kongreso ni Pangkalahatang Kalihim Hu Jintao ng CPC. Magkakasunod na ipinahayag nila na sa pamumuno ng CPC, nitong 10 taong nakalipas, mabilis na umunlad ang pambansang kabuhayan, at malinaw na bumuti ang usaping may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, at malinaw na tumaas ang katayuan ng bansa sa daigdig. Anila, kung magkakaisa at magsisikap ang mga mamamayan ng Nasyong Tsino, tiyak na maisasakatuparan ang target ng komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan. Magiging mas malakas ang bansa, at magiging mas mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, dagdag pa nila.
Salin: Li Feng