Iniharap ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na sa taong 2020, igagarantiya ang dakilang target ng komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan. Ipinalalagay ng mga tao na kasunod ng pagsasagawa ng iba't ibang hakbangin, ang dakilang bunga ng naturang kongreso ay unti-unting lilitaw sa loob ng darating na 8 taon, at makakapagbigay ito ng maraming positibong epekto sa buong daigdig.
Ayon sa mithiin ng CPC, hanggang taong 2020, maisasakatuparan ng Tsina ang target na dodoble ang GDP ng bansa at tataas ang kita ng bawat residente sa lunsod at nayon kumpara sa taong 2010. Magbabago din ang porma ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Para sa buong mundo, magiging isang mas malaking pamilihan ang Tsina.
Salin: Li Feng