Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga partido sa Timog Silangang Asya, bumati sa CPC congress

(GMT+08:00) 2012-11-11 11:14:34       CRI
Magkakahiwalay na nagpadala kamakailan ng mensahe ang mga partido sa mga bansa sa Timog Silangang Asya para bumati sa pagdaraos ng sesyong plenaryo ng Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Joseph Ejercito Estrada, Puno ng Puwersa ng Masang Pilipino, na ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ay magbabalangkas ng mga bagong patakaran para pasulungin ang pag-unlad ng Tsina. Sana aniya manatiling maunlad ang Tsina sa ilalim ng pamumuno ng bagong liderato sa hinaharap.

Sa kanyang mensahe naman, sinabi ni Xanana Gusmao, Tapagangulo ng National Congress of Timor Leste Reconstruction, at Punong Ministro ng bansang ito, na naniniwala siyang ang sesyong plenaryo ng CPC ay magpapasulong ng kasaganaan at kaunlaran ng Tsina sa hinaharap. Umaasa aniya siyang ibayo pang pasusulungin ang pagpapalagayan ng dalawang panig.

Sa kanyang mensahe naman, sinabi ni Mari Bin Amude Alkatiri, Pangkalahatang Kalihim ng Revolutionary Front of Independent East Timor, na mahalaga ang kabuluhan ng sesyong plenaryo ng Ika- 18 Pambansang Kongreso ng CPC sa Tsina at komunidad ng daigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>