Maisasagawa na ang proposal system para sa mga kinatawan ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na lumahok sa sesyong plenaryo nito.
Ito ang isang opisyal na patakaran na kauna-unahang iniharap sa ulat ng sesyong plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC para pasulungin ang sistemang demokratiko sa loob ng partido.
Ayon sa nasabing patakaran, dapat iharap sa sesyong plenaryo ng mga kinatawan ang anumang mungkahi hinggil sa patakaran at mga hakbangin ng CPC sa pamamamagitan ng istandardisadong proposal.