Nang kapanayamin kahapon, sinabi ni Tian Lipu, Puno ng State Intellectual Property Office ng Tsina, at kalahok sa ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, na matibay ang atityud ng pamahalaang Tsino sa pagbibigay-dagok sa mga aksyon ng paglapastangan sa intellectual property rights (IPR). Dagdag niya, binuo na ng Tsina ang medyo kumpletong sistema ng mga batas at regulasyon sa aspektong ito, at sa hinaharap, patuloy ding palalakasin ang iba't ibang may kinalamang hakbangin.
Kaugnay naman ng pagtuturing ng ilang kanluraning media sa Tsina na bansa ng paglapastangan sa IPR, at paggamit ng piracy, sinabi ni Tian, na ito ay may-kiling na pakikitungo sa Tsina. Aniya, ang Tsina ay isa sa mga bansang nagbayad nang pinakamalaki para sa paggamit ng mga patent, at paglilisensya ng trademark, at isa rin sa mga bansang bumili ng pinakamaraming genuine software.
Salin: Liu Kai