Sa preskon kahapon ng ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, ipinahayag ni Zhao Shaohua, Pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina, na dapat buong husay na pangalagaan ng kanyang bansa ang mga pamanang pandaigdig.
Kaugnay ng pag-aaplay ng maraming lugar ng Tsina para maging pamanang pandaigdig ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization, ipinalalagay ni Zhao, na ito ay isang positibong kalagayan. Aniya, kung ang isang cultural site ay magiging pamanang pandaigdig, makakabuti ito sa pangangalaga sa lugar na ito. Dagdag pa niya, sa hinaharap, ibayo pang kukumpletuhin ng pamahalaang Tsino ang batas at mekanismo ng pangangalaga sa pamanang pandaigdig.
Salin: Liu Kai