|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ng dating embahador ng Malaysia sa Tsina, na ang Scientific Outlook on Development ay makakatulong sa paglutas ng Tsina sa di-balanseng pag-unlad ng iba't ibang lugar ng bansang ito. Aniya pa, isinagawa na ng pamahalaang Tsino ang mga mabuting hakbangin sa aspektong ito, gaya ng estratehiya ng pagpapaunlad ng dakong kanluran ng bansa.
Sinabi naman ng opisyal ng Partido Komunista ng Biyetnam, na ang Scientific Outlook on Development ay batayan ng pagbabago ng Tsina ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Ito aniya ay isang mabuting sistema ng teorya na nilikha ng Partido Komunista ng Tsina.
Ayon pa rin sa media ng Indonesya, mahalaga ang nilalaman sa Scientific Outlook on Development hinggil sa pag-uugnay ng konstruksyong pangkabuhayan at pangangalaga sa ekolohiya, at pag-iiwas ng pagsira sa kapaligiran sa proseso ng pag-unlad. Anito pa, ito ay isang karanasan na dapat tularan ng Indonesya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |