|
||||||||
|
||
Bilang pinakamalaking dalawang ekonomy sa daigdig, isa ay pinakamaunlad na bansa, at isa pa ay pinakamalaking umuunlad na bansa. Magkakaiba ang pundasyon ng sistemang pulitikal ng dalawang bansa, mayroon silang sariling katangian.
Noong nakaraang ilang taon, mabilis na umuunlad ang kabuhayan at lipunan ng Tsina. Ito ay ibinunga hindi lamang ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas sa kabuhayan, kundi ng walang humpay na pagpapasulong ng reporma nito sa sistemang pulitikal at pagpapabuti ng batas at demokrasya. Ang demokratikong pulitika ay hindi iisang modelo lamang ang bawat bansa ay dapat magsagawa ng landas ng pag-unlad ng demokrasiyang pulitikal na angkop sa kalagayan ng sariling bansa.
Sa Tsina, isinasagawa ng CPC ang paraan ng pagsanib ng electoral democracy at deliberative democracy. At ang kanluraning demokratikong sistema ay kulang nga sa gamitong deliberative democracy.
Sa kasalukuyan, ang konstruksyon ng demokratikong sistemang pulitikal ng Tsina ay nananatili pa sa proseso ng walang humpay na pagpapakabuti. Pero, maliwanag ang pakikitungo ng liderado ng CPC. Tinukoy ng Ulat na ipinalabas sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC na: dapat buong tatag na tumahak sa landas na ito, para ang sosyalistang demokrasiyang pulitikal ay magpakita ng mas masiglang vitality. Sa kasalukuyan, ang sistemang pulitikal ng Tsina at bunga ng reporma nito ay tinatanggap ng mas maraming tao sa komunidad ng daigdig.
Sa buong daigdig, walang isang modelo ng sistemang pulitikal ang angkop sa lahat ng mga bansa. Kaya, dapat maghanap ang iba't ibang bansa ng sariling sistemang pulitikal na angkop sa aktuwal nilang kalagayan. Sa Ulat na ipinalabas sa ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, binigyan-diin ni Hu na "hindi kopiyahin ang modelo ng sistemang pulitikal sa mga bansang kanluranin". Kasabay nito, sinabi rin niyang "aktibong gamitin ang mga mabuting bunga ng sibilisasyong pulitikal ng buong sangkatauhan". Kaya, nananangan ang CPC sa "landas ng sosyalistang pulitika na may katangiang Tsino". Ito ang political logic ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |