|
||||||||
|
||
Binati ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang Tsina sa pagtitipon ng mga bumubuo ng 18th National Congress ng Communist Party of China na nagsimula noong Huwebes at matatapos sa susunod na ilang araw.
Sa isang exlusive interview kanina, sinabi ni Pangalawang Pangulong Binay na maayos ang pagpapalit ng namumuno sa bansa sa pamamagitan ng desisyon ng kongreso nito.
Ikinagalak ni Pangalawang Pangulong jejomar C. Binay ang kinahihinatnan ng 18th National Congress of the Communist Party of China. Sa panayam, sinabi niyang umaasa siyang magiging bukas ang hahaliling liderato sa paglutas sa payapat at diplomatikong paraan sa mga di pagkakaunawaan sa South China Sea
Idinagdag pa niya sa kanyang pagkaka-alam ay malawak ang karanasan sa pamumuno ng papalit, ang kasalukuyang pangalawa sa pinakamataas sa bansa, si Pangalawang Pangulong Xi Jinping. Ayon sa pangalawang pangulo ng Pilipinas, umaasa siyang magiging bukas ang magiging pinuno ng ikalawa sa pinakamayamang bansa sa paglutas sa mga 'di pagkakaunawaan sa South China Sea.
Sa katanungang hindi gasinong pansin ng mga Pilipino ang nagaganap sa Tsina dahilan sa halalan sa America, sinabi ni Ginoong Binay na mayroong naunang pahayag si Ginoong Xi na hindi nangangamkam ang Tsina.
Taos-puso ang kanyang pagbati sa mga hahaliling pamunuan sa Tsina kasabay ng panalangin na sana'y malutas sa payapa at dilomatikong paraan ang mga hindi pagkakaunawaan.
Narito ang buod ng aking panayam kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay mula sa kanyang tanggapan sa Coconut Palace, Pasay City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |