Idinaos ngayong araw sa Beijing ang ika-3 sesyon ng Presidium ng ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Pinagtibay sa sesyon ang mga panukalang listahan ng mga kandidato sa pagiging miyembro at alternate members ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, at Central Commission for Discipline Inspection ng CPC. Ang naturang mga listahan ay ginawa ng iba't ibang delegasyong kalahok sa kasalukuyang pambansang kongreso, at pagkatapos, ibabalik ang mga ito sa kanila para sa rekonsiderasyon.
Bukas ng umaga, idaraos ang pormal na halalan ng naturang mga miyembro.
Salin: Liu Kai