|
||||||||
|
||
Sinabi ni Li Chongfu, iskolar ng Chinese Academy of Social Sciences, na ang saligang prinsipyo ng nasabing reporma ay kaisahan ng paggigiit sa pamumuno ng CPC, paglalagay ng kapangyarihan sa kamay ng mga mamamayan, at pamamahala sa bansa alinsunod sa batas. Tiniyak din niyang ang sistema ng multi-partido ay hindi direksyon ng reporma sa sistemang pulitikal ng bansa.
Sinabi naman ni Yan Shuhan, propesor ng Party School ng CPC, na sa kasalukuyang pambansang kongreso, inilagay sa mataas na posisyon ang "people's democracy," at pinahahalagahan din ang kapwa deliberative democracy at electoral democracy.
Ipinalalagay naman ni Cheng Li, Direktor ng John Thornton China Center ng Brookings Institute ng Estados Unidos, na sa kasalukuyan, ang mga kinakaharap na problema ng Tsina sa pag-unlad ay mukhang sa aspekto ng kabuhayan, pero sa katotohanan, ang solusyon sa mga ito ay sa pamamagitan ng reporma sa sistemang pulitikal.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |