Sa ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), itinakda ang plano hinggil sa reporma sa sistemang pangkabuhayan ng bansa. Inilahad ngayong araw ni Liu Peilin, eksperto ng Development Research Center ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang kanyang mga palagay hinggil dito.
Sinabi ni Liu, na kasunod ng pagbabago ng pandaigdig na kapaligirang pangkabuhayan, at paghigpit ng mga hamon sa sangkatauhan na gaya ng pagbabago ng klima, pagsasaayos ng kabuhayang pandaigdig, at globalisasyon, dapat komprehensibong palalimin ng Tsina ang reporma sa sistemang pangkabuhayan.
Pagdating naman sa isyu ng pagkabalanse ng papel ng pamahalaan at pamilihan sa aspekto ng kabuhayan, sinabi ni Liu, na ang isyung ito ay hindi lamang sa Tsina. Aniya, mayroon ding depekto sa isyung ito ang mga maunlad na bansa, at ito ay naging isa sa mga sanhi ng pagkaganap ng pandaigdig na krisis pinansyal. Ipinalalagay din niyang dapat paliwanagin ang sariling mga tungkulin ng pamahalaan at pamilihan, para buong husay na mapatingkad ng dalawang ito ang sariling mga papel.
Salin: Liu Kai