|
||||||||
|
||
Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, sinabi ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng CPC, sa kanyang ulat na unti-unting itatatag ng Tsina ang makatarungang panlipunang sistemang panseguridad na pangunahing binubuo ng kapantayan sa karapatan, pagkakataon, at regulasyon. Magsisikap, anang ulat, ang Tsina para makalikha ng pantay-pantay na kapaligiran para maigarantiya ang magkapantay na paglahok at pag-unlad ng bawat mamamayan. Ang naturang pahayag ay angkop sa pangangailangan at kahilingan ng mga mamamayang Tsino.
Ang kapantayan ay komong mithiin ng sangkatauhan. Mas marami ang yaman ng lipunan, magiging mas mahalaga ang kapantayan. Ang kapantayan ay palagiang target ng CPC, ito rin ang kahilingan ng pagtatayo ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Para matupad ang naturang 3 kapantayan, unang una, kailangang igiit ang priyoridad ng pagpapaunlad. Ang pag-unlad ay susi para malutas ang lahat ng mga problema ng lipunan. Ang matatag at malusog na pag-unlad ay ang kabatayan ng pagpapatupad ng kapantayang panlipunan.
Ikalawa, dapat lubos na isagawa ang patakaran ng pamamahala sa estado sa pamamagitan ng batas. Ang mahigpit na pagsasagawa ng batas ay ang paggarantiya sa karapatan ng mga mamamayan. Anumang prebilihiyo na pinangingibabawan ang batas ay dapat isailalim sa batas.
Ikatlo, ang kapangyarihan ay dapat isailalim sa superbisyon para mabawasan ang korupsyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |