|
||||||||
|
||
Sa sentro ng impormasyon ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinagot ng mga opisyal ng mga departamento ng bansa ang mga tanong ng mga mediang Tsino at dayuhan.
Sa aspekto ng reporma sa sistemang medikal at pangkalusugan, isinalaysay ni Zhu Zhixin, Pangalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na sa kasalukuyan, mahigit 1.3 bilyong mamamayan ang nakakapagtamasa ng medical insurance, na sumasaklaw sa mahigit 95% ng populasyon. Ngunit umiiral pa rin aniya ang ilang problema.
Sa aspekto ng hanap-buhay, ipinahayag ni Yang Zhiming, Pangalawang Ministro ng Human Resources and Social Security ng bansa, na unti-unting lumilitaw ang epekto ng pagbagal ng paglaki ng kabuhayan sa hanap-buhay.
Sa aspekto ng pangangalaga sa kapaligiran, isinalaysay ni Zhou Shengxian, Ministro ng Pangangalaga sa Kapaligiran, na bumuti ang kasalukuyang sitwasyon ng pangangalaga sa kapligiran ng bansa, ngunit mahigpit pa rin ang kalagayan, at patuloy aniyang lalaki ang presyur.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |