|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon sa punong himpilan ng UN, New York, ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na nagdulot na ng malaking pinsalang pangkabuhayan at pinansyal sa Cuba ang blokeyo ng Estados Unidos (E.U.) sa kabuhayan, komersyo, at pinansya. Dagdag pa niya, ito ay lumapastangan sa pundamental na karapatang pantao, karapatang mabuhay, at karapatan ng pag-unlad ng mga mamamayan ng bansang ito. Naapektuhan din nito ani Wang ang pakikipagpalitan ng Cuba sa iba pang bansa, at napinsala ang kapakanan at soberanya ng ikatlong bansa. Nanawagan si Wang sa E.U. na itigil ang blokeyo sa Cuba sa lalong madaling panahon.
Pinagtibay nang araw ding iyon ng ika-67 Pangkalahatang Asemblea ng UN ang resolusyong humihingi sa E.U. na agarang itigil ang 50 taong blokeyong pangkabuhayan, pangkalakalan, at pinansyal sa Cuba.
Tinukoy ni Wang na umaasa siyang susundin ng E.U. ang Charter ng United Nations at resolusyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN, para mapabuti ang relasyon ng E.U. at Cuba. Ito rin aniya ay para mapasulong ang katatagan at kaunlaran ng rehiyong Latin Amerikano at Caribbean.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |