|
||||||||
|
||
Matagumpay na ipininid kaninang umaga ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Muling inulit ng ulat sa kongreso ang dalawang target ng pagsisikap: Una, komprehensibong itatayo ang may kaginhawahang lipunan sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC; Ikalawa, itatayo ang bagong Tsina sa isang mayaman, demokratiko, sibilisado, at may harmoniyang modernong bansang sosyalista sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng bansa.
Tinukoy naman ng artikulo ng Xinhua News Agency na sa kasalukuyan, nasa masusing yugto ang bansa sa komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan.
Anito pa, sa arena ng mapayapang pag-unlad, magiging mas matatag ang tunguhin ng kooperasyon ng Tsina at iba't ibang bansa sa daigdig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |