|
||||||||
|
||
Nilagom sa pulong na ito ang mga karanasan noong 10 taong nakaraan. Kaugnay nito, ipinalalayag ng mga kalahok na kinatawan na dapat igiit ang teoryang sosyalismong may katangiang Tsino at isakatuparan ang Scientific Outlook on Development para pasulungin ang komprehensibo, koordinado at sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa at palakasin ang kakayahan ng pamamahala ng CPC.
Sa ulat ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng CPC, sa seremonya ng pagbubukas ng sesyong plenaryo ng pambansang kongreso, iniharap niya ang target ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa taong 2020 at pangkalahatang balangkas ng usapin sa sosyalismong may katangiang Tsino. Ang mga ito ay batay sa malalimang pagkaunawa ng CPC sa mga teorya ng sosyalismo at prinsipyo ng pag-unlad ng sangkatauhan.
Ang pagiging naghaharing partido ng CPC sa Tsina ay sumusunod sa kahilingan ng tunguhin ng panahon at palagiang pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayang Tsino. Sa kasalukuyan, ang mga bagong isyu sa Tsina ay nagiging hamon para sa bagong liderato ng Tsian sa hinaharap. Kaugnay nito, ipinauna ng CPC ang gawain sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Sa kanyang ulat sa sesyong plenaryo, sinabi ni Hu na dapat maigarantiya ang kapakanan at karapatan ng mga mamamayang Tsino, igiit ang katarungan at pagkakapantay-pantay, at malutas ang isyu ng paglaki ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap para makinabang ang buong sambayanang Tsino sa bunga ng pag-unlad ng bansa.
Malaki at mabigat ang gawain na maisasakatuparan ang pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan sa Tsina kung saan ang naninirahan ng mahigit 1.3 bilyong populasyon. Kaya ang mga nagkakaisang posisyon sa sesyong plenaryo ng pambansang kongreso ng CPC ay makakatulong nang malaki sa pagsasakatuparan ng nasabing target.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |