Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni HongLei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang nagsasariling pagtatatag ng bansa ay legal na karapatan ng mga mamamayan ng Palestina. Nauunawaan, iginagalang at kinakatigan aniya ng Tsina ang mga kinauukulang kahilingan ng Palestina sa isyu ng "pagsapi sa UN".
Tinukoy ni Hong na ang talastasan ay siyang tanging tumpak na paraan upang ayusin ang "Kaso ng Dalawang Bansa". Kinakatigan aniya ng Tsina ang maayos na paglutas sa isyu ng Palestina at Israel sa pamamagitan ng talastasang pulitikal.
Salin:Sarah