Ipininid dito sa Beijing ngayong araw ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Nahalal sa pulong ang bagong Komite Sentral at Central Commission for Discipline Inspection ng CPC. Pinagtibay din sa pulong ang mga resolusyon hinggil sa ulat ng ika-17 Komite Sentral, ulat sa gawain ng Central Commission for Discipline Inspection, at rebisadong Konstitusyon ng CPC.
Nangulo at nagtalumpati sa pagpipinid si Hu Jintao. Aniya, nananalig siyang ang iba't ibang kapasiyahan at natamong bunga ng kasalukuyang pulong ay magpapatingkad ng napakahalagang papel para sa pagpapasulong ng dakilang usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino at konstruksyon ng partido.
Salin: Vera