Nagpalabas ngayong araw ng editoryal ang pahayagang People's Daily ng Tsina bilang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Anang editoryal, ang kasalukuyang kongreso ay bagong simula ng usapin ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, at mas maligaya at magandang kinabukasan ng mga mamamayang Tsino.
Ayon pa rin sa editoryal, sa kongreso, inilagay sa mataas na posisyon ng kasaysayan ang Scientific Outlook on Development. Iniharap ang mga saligang kahilingan sa pagpapasulong ng sosyalismong may katangiang Tsino, at mga target sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas at pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas. Iniharap din ang mga maliwanag na kahilingan sa siyentipikong konstruksyon ng CPC.
Salin: Liu Kai