UMAASA ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas na magkaroon ng maayos na pagbabago ng liderato sa Tsina. Sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Assistant Secretary Raul S. Hernandez na umaasa ang Pilipinas na ang mga hahaliling bubuo ng liderato sa Beijing ang pagkakaroon ng positibo, mapayapa at matatag na relasyon sa bansang Tsina.
Umaasa rin ang panig ng Pilipinas na ang political bilateral relations ay higit na gaganda, at kalakalan at relasyon ng mga mamamayan ay patuloy na yayabong at magiging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng dalawang bansa.