|
||||||||
|
||
Ang pangunahing tungkulin ng bagong liderato ng CPC ay: sa darating na 5 taon, pamumunuan ang buong partido at lahat ng mga mamamayang Tsino, na isakatuparan ang target ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa 2020 upang pasulungin ang prosesong pangkasaysayan ng Tsina sa isang bagong yugto.
Ang bilang ng kasapi ng bagong CCCPC ay medyo malaki kaysa sinusundan nitong komite, at makatarungan ang estruktura nito kung ang gulang ng mga miyembro ang pag-uusapan , 56.1 ang karaniwang gulang.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kinatawan na ang bagong CCCPC at CCDICPC ay puno ng vitality, pamiliyar sila sa kalagayan sa loob at labas ng bansa, at may estratehikong kaisipan. Positibo ang pagtasa sa kanila ng mga personahe sa loob at labas ng CPC.
Lubos na pinahahalagahan ng miyembro ng bagong liderado ang gawain ng ika-16 at ika-17 CCCPC na pinamunuan ni dating Pangkalahatang Kalihim Hu Jintao ng Tsina.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nasa masusing yugto ng pagsasakatuparan ng target ng komrehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, kinakaharap ng Tsina ang walang katulad na pagkakataon at hamon. Ipinahayag ng bagong liderato na magsisikap sila para pasulungin ang reporma at pagbubukas sa labas at moderanisasyon ng Tsina.
Sa pulong ng pagpipinid ng ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, pinagtibay ang resolusyon hinggil sa pagsusog ng Konstitusyon ng CPC, at ginawang guide of action ng partido ang Scientific Outlook on Development kasama ng teoryang Marxista-Leninista,Mao Tsetung Thought, Deng Xiaoping Theory at Three Represents na igiit ng CPC sa pangmatagalang panahon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |