Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang pagtatatag ng maharmonyang daigdig, na may pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan. Kasabay nito, itataas din aniya ng Tsina ang bandila ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon, prinsipyong win-win, at buong tatag na magsisikap para mapangalagaan ang kapayapaang pandaigdig at pagsulong ng komong pag-unlad.
Ani Hong, sa ulat na ginawa ni Hu Jintao sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), komprehensibo niyang inilahad ang paninindigan ng Tsina sa sitwasyong pandaigdig at patakarang panlabas na iginigiit ng bansa. Buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at igigiit ang nagsasarili at mapayapang patakarang panlabas, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng