|
||||||||
|
||
Kahapon, nahalal ang bagong liderato ng Partido Komunista ng Tsina. Sa news briefing, ang 6 pang pirmihang kagawad ng Politburo ng Komite Sentral ng CPC, sa pamumuno ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ay nakipagtagpo sa mga mamamahayag. Binigyan-diin ni Xi na ang bagong liderato ay mayroong responsibilidad sa nasyong Tsino, sa mga mamamayan, at sa CPC. Magsisikap aniya ang bagong liderato para hindi mabigo ang pag-asa at tiwala ng mga mamamayan.
Ang bagong liderato ay umakit ng pansin ng mga mass media sa loob at labas ng Tsina. Binigyan-pansin ng mga media ang "responsibilidad" at "mamamayan" na paulit-ulit na lumitaw sa talumpati ni bagong Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping. Ang talumpati ni Xi ay nagpakita rin ng pagpapahalaga ng bagong liderato sa mamamayan. Sinabi ni Xi na ang mga mamamayang Tsino ay dakilang mamamayan, at ang pag-asa ng mga mamamayan ay target ng bagong liderato.
Sa ngalan ng bagong liderato, ipinahayag ni Xi, ang kapasiyahan sa patuloy na pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas. Binigyan-diin niyang dapat patuloy na palayain ang isip, igiit ang reporma at pagbubukas sa labas, walang humpay na palayain at paunlarin ang produktibong lakas ng lipunan. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng opinyong publiko na ito ay nagpakita ng matatag na kompinyansa ng bagong liderato sa pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas.
Bukod dito, sa kanyang talumpati, ipinahayag rin ni Xi na sa kasalukuyan, kinakaharap ng CPC ang maraming mahigpit na hamon na tulad ng korupsyon. Sinabi niyang dapat buong lakas na lutasin ang isyung ito.
Binigyan-diin ni Xi na ang responsibilidad ay pinakamahalaga. Magsisikap aniya ang bagong liderato, kasama ng lahat ng mamamayang Tsino, para hindi mabigo ang pag-asa at tiwala ng mga mamamayan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |