|
||||||||
|
||
Nagpulong kahapon ang United Front Work Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para ipaalam ang diwa ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC at unang sesyong plenaryo ng kongresong ito sa mga lider ng iba't ibang partidong demokratiko, pederasyon ng industriya at komersyo, at mga personaheng walang kinaaanibang partido.
Sa pulong, tinukoy ni Du Qinglin, Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC, na ang Ika-18 Pambansang Kongreso ay idinaos sa mapagpasiyang yugto ng komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan. Tinipon aniya nito ang katalinuhan ng buong partido, pag-asa ng mga mamamayan, at ito ay nagpakita rin ng pinakamalaking komong palagay.
Idinagdag pa niya na dapat tipunin ng united front ang katalinuhan at lakas para maisakatuparan ang iba't ibang tungkulin na itinakda sa naturang kongreso.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |