Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga biktima ng mga sakuna, ginunita sa Misa

(GMT+08:00) 2012-11-19 18:21:03       CRI

MARAMING SAKUNA DAHILAN SA HUMAN ERROR AT KAPABAYAAN.  Ito ang sinabi ni Engr. Bert Suansing, Secretary General ng Philippine Global Road Safety Partnership sa isinagawang paggunita sa mga nasawi, nasugatan at nabalda.  Umaabot sa 34 katao ang nasasawi bawat araw sa Pilipinas dahilan sa mga sakuna sa lansangan

IDINAOS kahapon ng umaga ang isang Misa sa gumunita sa mga naging biktima ng mga sakuna, hindi lamang sa Pilipinas kungdi sa buong daigdig. Sa isang panayam, sinabi ni Engr. Bert Suansing, Secretary General ng Philippine Global Road Safety Partnership na ang kanilang pagkilos sa Pilipinas ay pakikiisa sa World Day of Remembrance na isinasagawa sa tuwing ikatlong Linggo ng Nobyembre.

Kabilang din sa mga ipinananalangin ang mga naging biktimang nasugatan at nabalda. Hindi umano kapalaran ang maging biktima ng sakuna sapagkat nagkaroon ng kapabayaan at paglabag sa mga alituntunin ang mga tsuper at iba pang mga tao.

May kinalaman ito sa pag-uugali ng mga taong nasa lansangan tulad ng mga pedestrian. Inihalimbawa niya ang mga taong ayaw gumamit ng pedestrian overpass at sinusubukan ang kalakhan ng Commonwealth Avenue upang magamit sa pagtawid.

Vehicle maintenance ang isa ring dahilan ng sakuna. Ang pagbabakasakali ang dahilan ng mga nasasawi. Mahalaga ring tingnan ang mga uri ng gulong ng mga sasakyan sapagkat may mga nag-aarimuhan o nagtitipid sa pag-aalaga ng sasakyan. Sa Pilipinas umano ay mayroong average na 34 katao ang nasasawi at nasusugatan sa bawat araw.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>